Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Lola ni-rape slay ng embalsador

0 760

Bangkay na nang matagpuan ang 78-anyos na lola matapos umano itong gahasain at patayin sa sakal ng 37-anyos na lalaking embalsamador sa bayan ng Babatngon, Leyte.

Kinilala ng pulisya ang biktimang si Magdalena Abuga, 78, residente ng Ridge View Channel, Brgy. District 1, na natagpuan nitong Miyerkoles ng umaga na halos naagnas na at tinabunan ng mga basura malapit sa Tapitan Funeral Parlor kung saan nagtatrabaho ang suspek na si Ramel Dela Cruz, 37.

SM food to go Banner Ad

Isang masangsang na amoy ang sinundan ng mga residente at doon bumungad ang bangkay ng biktima na tinakpan pa ng mga basura. Base sa inisyal na pagsusuri ni Dr. Julieta Conge, municipal health officer, ginahasa at pinatay sa sakal ang biktima.

Lumalabas sa imbestigasyon na ang suspek ang nakitang huling kasama ng biktima bago ang pagkakatagpo sa bangkay nito. Sa interogasyon, ay umamin diumano ang suspek na siya nga ang gumahasa at pumatay sa biktima.

Sinampahan na ng kaso ang suspek dahil sa karumal-dumal na krimen. (Edwin Balasa)

Leave A Reply

Your email address will not be published.