Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Lola sinalba sa sunog si lolo, patay pareho

0 323

Magkasamang natagpuan ang sunog na bangkay ng mag-asawang senior citizen nang ma-trap sa nasusunog nilang bahay sa Barangay Roxas District, Quezon City, Huwebes ng madaling araw.

Sa inisyal na ulat ng Quezon City Fire District, kinilala ang mag-asawang sina Mariano Mejia Jr. at maybahay na si Benita Mejia, kapwa 80-anyos, taga-Brgy. Roxas District, QC.

Sa ulat ng Quezon City Bureau of Fire Protection (BFP), ala-1:00 ng madaling araw (March 25) nang magsimulang sumiklab ang sunog sa ground floor ng 2-palapag na tahanan ng mag-asawa.

Sinasabing binalikan umano ng matandang babae ang kanyang mister na bedridden upang iligtas ngunit kapwa hindi na nakalabas ang mga ito matapos na mabagsakan ng natupok na sahig na kahoy.

Related Posts
SM food to go Banner Ad

Natagpuan na lamang umano ng mga bumbero ang bangkay ng mga ito sa loob ng kanilang silid habang nagsasagawa ng mapping operation.

Ayon sa mga imbestigador, tupok na tupok at wala nang mapapakinabangan sa kanilang mga gamit.

Iniimbestigahan pa ang sanhi ng sunog, na tinatayang P3 milyon ang pinsala. (Dolly B. Cabreza)

Leave A Reply

Your email address will not be published.