Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Lola tinodas, sinemento ng boylet

0 128

Nahukay ng mga awtoridad ang bangkay ng isang lola matapos ibaon ng kanyang lover bago pagnakawan kung saan tinangka pang patayin ang anak na babae ng una saka dinukot ang kanyang apo sa Quezon City, madaling araw ng Miyerkules.

Sa report nitong Sabado (June 12) ng Criminal Investigation and Detection Unit ng Quezon City Police District (CIDU-QCPD), ang nahuling suspek ay si Emmanuel De Guia, 33, taga-Bgy. Parang, Marikina City.

Tinutugis naman ang kasabwat nitong si Nelbert Agrasada Saz.
Si Saz at De Guia, na sinasabing kalaguyo ng biktimang si Ma. Theresa Caballero, 50, ang nanloob sa tahanan ng huli sa No. 84 Fil-Heights Ave., Filinvest II, Brgy. Bagong Silangan, Quezon City.
Sa imbestigasyon, naganap ang krimen alas-2:00 ng madaling araw (June 9), nang pasukin ng dalawa ang bahay ng biktima na kanilang kinatay.

Related Posts
SM food to go Banner Ad

Sinunod nilang pinagsasaksak ang anak ng biktima na si Theffanie Caballero, 22. Sa pag-aakalang patay na ito ay ibinaon sa konkretong semento sa basement ang ina nito na si Ma. Theresa.
Nilimas nina De Guia at Saz ang mga salapi, alahas at mamahaling gamit sa bahay ng biktima.
Pagdaka’y dinukot pa ng dalawa ang 3-anyos na apo ng biktima nang makitang umiiyak.
Lingid sa mga suspek, buhay si Theffanie ay nagpasaklolo sa mga kapitbahay na agad namang dinala sa Amang Rodriguez Memorial Medical Center sa Marikina City at inilipat sa Fatima Hospital sa Antipolo City.
Sa ospital ay naikanta ni Theffanie ang pagpatay sa ina at pagdukot sa kanyang anak.

Agad namang tinungo ng mga imbestigador ang tahanan nila Theffanie at nahukay ang bangkay ng ina.
Sa manhunt operation ng mga operatiba ng CIDU, QCPD Police Station 13 na pinamumunuan nina PLt. Col. Rodante Sarmiento, PMaj. John Wayne Verzosa, PLt. Darwin Inocentes, Plt. Demarree Romero, at Plt. Roldan Dapat kasama ang Marikina Police sa pangunguna nina PLt. Darwin Boiser at PLt. Osmundo Cabaluan ay naaresto si De Guia at nasagip ang paslit.

Bukod sa mga ninakaw, narekober din sa bahay ng suspek ang Toyota Fortuner ng lola.

Inamin ni De Guia ang pagnanakaw at ang relasyon nila ni Ma. Theresa. (Dolly B. Cabreza)

Leave A Reply

Your email address will not be published.