Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Lola tinuluyan ng kawatan

0 114

Naliligo sa dugo at wala nang buhay nang madiskubre ang katawan ng isang 62-anyos na babae na pinatay matapos pagnakawan ng mga hindi nakilalang salarin sa Cabuyao City, Laguna.

Kinilala ang biktima na si Primitiva Emboltorio, na natagpuang nakahandusay sa sahig sa loob ng kanyang tahanan at tindahan sa Brgy. Mamatid, dakong alas-5:00, Miyerkoles ng hapon.

Hinihinalang pinalo siya ng matigas na bagay sa ulo na agad niyang ikinamatay.

Samantala, nakakalat din ang mga gamit ng biktima sa kanyang kuwarto at hinalungkat ang mga cabinet.

SM food to go Banner Ad

Lumalabas sa imbestigasyon na pagnanakaw ang motibo sa krimen dahil nawawala ang nasa P5,000 cash ng biktima at isang piggy bank jar na may laman ding mga barya.

Ayon sa mga imbestigador, pumasok ang suspek sa front door at tumakas matapos na sirain ang kandado ng backdoor.

Batay naman sa mga kaanak at kapitbahay ni Emboltorio, huli itong nakitang buhay noong Miyerkoles ng tanghali habang nagbabantay sa tindahan nito.

Patuloy pa ang imbestigasyon sa pangyayari at inaalam pa kung sino ang salarin. (Ronilo Dagos)

Leave A Reply

Your email address will not be published.