Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Lola tumawid sa kalsada, nabundol

0 219

Nasawi ang isang 61-anyos na lola nang mabundol ng isang motorsiklo habang tumatawid sa kalsada sa Silang, Cavite, Miyerkoles ng gabi.

Tinangkang i-revive sa Silang Specialist Medical Center subalit namatay habang ginagamot ang biktimang si Arsenia Villanueva Destajo, dalaga, isang dispatcher ng Barangay Lalaan 1.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Hawak naman na ng pulisya ang driver ng isang Honda TMX 125 na si Antonio Cabral Gloriani, 48, ng Barangay Castanos, Bailen, Cavite.

Sa ulat ni P/Cpl. Ramil Legaspi ng Silang Police Station, dakong alas-6:10 kamakalawa ng gabi habang minamaneho ni Gloriani ang kanyang motorisklo patungo sa north to south sa kahabaan ng Aguinaldo Highway ay siya namang pagtawid ni Des­tajo. (Gene ­Adsuara)

Leave A Reply

Your email address will not be published.