Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Lola tumawid sinalpok ng motor

0 48

Patay ang isang hindi pa nakilalang matandang babae nang masalpok ng motorsiklo habang tumatawid sa kalsada sa Brgy. Talipapa, Quezon City nitong Linggo ng hapon.

Inilarawan ang biktima na nasa pagitan ng edad 55-60, nakasuot ng faded blue denim jacket, white shirt, striped black and white na pantalon at nakatsinelas.

Agad namang nadakip ang suspek na si Dessim Baylosis Legarde, 28-anyos, binata, single, at residente ng Camarin, Caloocan City.

SM food to go Banner Ad

Sa imbestigasyon ni P/Cpl. Wagner Acquisio ng QCPD Traffic Sector 4, ang aksidente ay naganap bandang alas-3:40, kamakalawa ng hapon, sa Quirino Highway malapit sa Mindanao Avenue, Brgy. Talipapa.

Binabaybay umano ng suspek ang kahabaan ng Quirino Highway galing T. Sora Ave. pero pagsapit sa nasabing lugar ay nasalpok niya ang biktima habang tumatawid ito sa kalsada.

Dahil sa lakas ng impak ay tumilapon ang ginang at agad namang sinaklolohan ng suspek saka dinala sa Quezon City General Hospital pero binawian din ng buhay ang biktima dakong alas-8:20 ng gabi. (Dolly Cabreza)

Leave A Reply

Your email address will not be published.