Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Lolang masahista niluray sa kubo

0 89

Arestado ang isang lalaking nanghalay ng 73-anyos na masahista na kalaunan ay namatay sa Barangay Botoc, bayan ng Loay, Bohol noong Bagong Taon.

Sa ulat, kinilala ang suspek na si Melchor Gonzalez, 39, kapitbahay ng hindi na pinangalanang biktima, na namatay ilang oras matapos gahasain.

Ayon sa Loay Police Station, mag-isa na lamang naninirahan sa kubo ang biktima.

Patungo umano ang suspek sa kubo ng biktima nang makita ng isang 14-anyos na babae at tinanong ito kung saan pupunta.

Sinabi ni Gonzalez na magpapamasahe ito sa biktima pero sinabihan siya ng dalagita na hindi na nagmamasahe ang matanda dahil bedridden na ito.

Hindi nakinig ang suspek at nagtuloy sa kubo ng biktima.

Nang matagalan si Gonzalez sa paglabas sa kubo ay nagdesisyon ang dalagita na puntahan ito kung saan nasaksihan niya ang ginawang panggagahasa ng suspek at isinumbong iyon sa kanyang ama. (IS)

Leave A Reply

Your email address will not be published.