Abante Tonite Interactive

Lolang walang panty natagpuang patay

By
1,487

Inaalam ng Manila Police District-Homicide Section (MPD-HS) kung may foul play na naganap sa pagkamatay ng isang 65-anyos na babae na natagpuang naagnas na ang katawan at walang saplot na pang-ibaba, kahapon ng hapon sa Sampaloc, Maynila.

Umalingasaw ang bangkay ng biktimang nakilalang si Flordelisa Dona, solong nangu­ngupahan sa STL Building sa 1677 sa panulukan ng Maceda at Makiling Sts., sa Sampaloc.

Ayon kay PO1 Allan Bermejo Jr., ng Manila Police District-Police Station 4, bandang alas-2:20 ng hapon nang itawag sa telepono ang pagkakadiskubre sa biktima, kaya agad itong nirespondehan.

Nalaman na may ilang araw nang patay si Dona nang madiskubre.

May ilang araw na rin nang huling makitang buhay ang matanda na umano’y solo lamang na nangungupahan sa lugar, at ta­nging t-shirt na puti ang suot ng biktima at wala itong saplot at panty.

Iniimbestigahan ng pulisya kung pinagsamantalahan ang biktima at hinihintay pa ang awtopsiya para malaman kung may foul play sa pagkamatay nito.