Abante Tonite Interactive

Lolas may kurot sa puso

By
19

NGAYONG araw na ito ang first day showing ng Trip Ubusan: The Lolas vs. Zombies na pinagbibidahan nina Jose Manalo, Wally Bayola at Paolo Ballesteros.

Kung pagbabasehan ang naganap na premiere night noong Lunes sa SM Megamall, sure hit na naman ang tatlo sa bago nilang movie.

Feeling namin, masu-surprise ang mga manonood, lalo na ‘yung talagang araw-araw, inaabangan sila sa Eat Bulaga at sa The Lolas’ Beautiful Show dahil katulad nga ng sinasabi nila, ibang klaseng pelikula ang binigay sa kanila ng APT Films at ng director nito na si Direk Mark Reyes.

True enough, hindi ka lang nga pala tatawa sa Trip Ubusan, magugulat at mata-touch ka rin. Ito ‘yung pelikulang may puso talaga.

Sana manood lalo na ang mga bata at teenagers ngayon. Maintain ang pagpapakita ng good values ng movie na kahit na may katatawanan, naipapasok nila talaga ang mag-impart ng magandang aral na sadly, medyo hindi na napagtutuunan ng masyadong pansin ngayong millennial.

Successful ang na­ging premiere night at present halos ang buong cast ng movie, gayundin ang may pa-surprise sa Trip Ubusan na si Maine Mendoza.

Nakausap naman namin ang JoWaPao bago ang premiere ng pelikula, aminado ang mga ito kahit na all-out ang nakikita nilang suporta sa kanila, kasabay ng excitement nila ay kina­kabahan din sila.

Sabi ni Jose, “Nakakatakot ang movie kaya nakakatakot din ang na­raramdaman namin.

Pero alam naman namin ang mga dabarkads, mga chika namin ‘yan.”