Abante Tonite Interactive

Lolit, ayaw apihin si Kris

By
12

KAHIT may dayalog si Kris Aquino na abala siya sa itinatayo niyang food and digital empire, obvious na miss na miss na niya ang mainstream showbiz exposure lalo na sa telebisyon.

Sa pangungulit sa kanya ni Tita Lolit Solis doon sa kasal ni Alfred Vargas sa Manila Cathedral ay biglang nagka-idea si Kris na magsama sila ni Tita Lolit sa isang talk show.

Gaya nilang ­dalawa ay ninang din sa nasabing kasal ang SVP for Entertainment ng GMA Network na si Tita Lilybeth Rasonable.

Nu’ng magkatabi-tabi silang tatlo ay hiniritan ni Kris si Tita Lilybeth na puwede silang bigyan ng talk show ng GMA kung saan aaway-awayin siya ni Tita Lolit.

Smile lang ang grasyosang Kapuso executive sa sinabi Kris. Sige lang sa kakatawa si Tita Lilybeth sa mga pang-iinis ni Tita Lolit kay Kristeta.

Paboritong inisin at asar-asarin ni Tita ­Lolit si Kris, pero wiz din bet ng beteranang showbiz manager na magka-talk show silang dalawa na api-apihan ang peg ng kanyang co-host.

Nagkasama na sila noon sa showbiz talk show na Startalk, na iniwan ni Kris nang lumipat ito sa Kapamilya network.

Ngayong hindi na siya feel ng Dos ay may pagpapa­ramdam si Kris na gusto ­nitong bumalik ng ­Siyete.

Mukhang si Arnold Vega­fria ang kinuhang manager ni Kris for TV, matapos maunsyami ang pagpasok niya dapat sa GMA na ang una niyang ­nilapitan para ­tulungan siya ay si Mr. Tony ­Tuviera.

Hanggang ngayon ay nganga pa rin si Kris sa kanyang TV comeback kaya sa social media na lang siya nararamdaman.

Kahit meron siyang kung anik-anik na pinagkakabisihan sa YouTube, Facebook and other digital platforms, iba pa rin ang mainstream television.