Abante Tonite Interactive

Lolit dismayado na natetengga ang mga alaga

By
2,291

Hindi na napigilan ni Manay Lolit Solis ang maglabas ng sama ng loob sa kanyang Instagram account. Natetengga umano kasi ang mga alaga niya kagaya ni Amy Austria. Halos isang beses lang daw kasi ito kung mag-taping sa loob ng isang linggo.

Kaya naman nanawagan siya sa mga Unit Head ng Dos. Aniya sa Instagram, “Gusto ko manawagan sa mga Unit Head ng Chanel 2 Salve. Kasi napapansin ko iyon mga alaga ko ang taping halos once a week lang, kung minsan nga marami na iyon 3 times a month. Kaloka ha, nakatali ka sa series ganun lang ang trabaho mo, ‘di ba para naman unfair, lalo pag isa lang ang ginagawa mo. Napansin ko kasi na si Amy Austria sa Halik, meron month halos isang beses lang siya nag-taping.”

Duda tuloy si Lolit na baka may cost-cutting na ginagawa sa production kaya natetengga ang ibang talent.

“Gusto ko itanong kay Ruel Bayani kung cost-cutting ba iyon, o hindi importante ang role ni Amy kaya paminsan-minsan lang ang taping niya? Sana kung ganun, fix na araw na lang ang hingin ng production o pag Monday o anuman araw ka lang kailangan ha, the rest of the week, puwede kang kumuha ng ibang trabaho. Please paging, Deo Endrinal, Ruel Bayani and other unit manager, paki clear nga po ito problem na ito. Mama Malou Santos, ano ba ito, cost cutting o snobbing? Hah hah joke pero medyo alarming dahil feeling lugi ka sa tali ka sa teleserye pero once a month lang trabaho mo. Please,” panawagan niya.