Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Lolit tanggap ang sorry ni BB

0 262

NI: VINIA VIVAR

Sa naturang lunch tsikahan with Sen. Bong ay nakausap din namin si Nay Lolit Solis. nahingan naman namin siya ng reaksyon sa pagso-sorry sa kanila ni BB.

Ayon kay Nay Lolit ay tinatanggap nila ang apology at na-appreciate naman daw nila ang gesture nito.

“For him na mag-apologize du’n sa mga sinabi niya sa amin ni Cristy, that’s something, di ba? At least, sa kanya na nanggaling ang apology. Syempre naman, kailangang tanggapin mo, nag-sorry na nga ‘yung tao, eh,” sey ni Nay Lolit.
Pero kung siya ang tatanungin ay hindi naman daw siya nasaktan sa mga sinabi ni BB against her.

SM food to go Banner Ad

“Kabaklaan lang, di ba?” natatawa niyang sabi. “Sa showbiz ba, nasasaktan pa tayo?”

Kaya kung tutuusin ay hindi naman daw niya ine-expect na maga-apologize pa si BB dahil hindi naman daw siya nagtatanim ng galit. Pero syempre, ikinatuwa naman daw nila ang pagso-sorry ni BB.

Ano naman ang reaksyon ni Nay Cristy?

“Tuwang-tuwa siya sa pagso-sorry ni Rustom. Kasi it’s enough, nag-sorry siya, di ba? For him to accept ‘yung ano (pagkakamali) niya, parang lalaki naman siya, hindi ba?” sey pa ni Nay Lolit.

Matatandaang sa latest vlog ni BB ay humingi siya ng tawad sa nasabing dalawang veteran writers/columnist pati na rin sa kapatid niyang si Robin Padilla dahil sa mga nasabi niyang hindi maganda sa mga ito noong nakaraang taon.

Leave A Reply

Your email address will not be published.