Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Lolo bagsak sa ni-rape na apo

0 59

TIMBOG ang isang lolo sa Carcar City sa Cebu nang akusahan ng paggagahasa sa sariling nitong apo.

Sa report, sinabing limang taon na ang nakalilipas nang mangyari ang panggagahasa ng lolo na itinago sa pangalang “Lolo Jun” sa apo niyang si “Mika,” di tunay na pangalan.

Sinabi sa ulat na kahapon lang sinahaman ng magulang ang biktimang di nabanggit ang edad, para magsampa ng kaso laban sa suspek, dahil kailan lang ito nagsumbong.

SM food to go Banner Ad

Mismong ang magulang ng bata ang nagsampa ng kaso kung saan nahaharap ngayon sa kasong statutory rape si Lolo Jun.

Sinilbihan ng arrest warrant ang suspek matapos makatanggap ang mga pulis ng impormasyon na bumalik na ito sa kanilang lugar. (Kiko Cueto)

Leave A Reply

Your email address will not be published.