Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Lolo binaril sa ari ng katoma

0 129

BINARIL sa maselang bahagi ng katawan ang isang senior citizen na magsasaka sa Ilocos Sur nitong Lunes.

Sa report, nangyari ang insidente sa Sto. Domingo, Ilocos Sur kung saan nag-iinuman ang biktima at ang suspek na kinilalang sina Salvador Tibok, 55, at Ariston Molina, 60.

Nabatid na sa gitna ng kanilang inuman ay nagtalo ang dalawa. Pagdaka’y bumunot ng baril si Tibok at pinaputukan si Molina na tinamaan sa ari.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Sa kabila ng tama ay gumanti si Molina at tinaga sa mukha si Tibok.

Kapwa dinala sa ospital ang dalawa kung saan nagpapagaling pa si Tibok. (Kiko Cueto)

Leave A Reply

Your email address will not be published.