Abante Tonite Interactive

Lolo buking sa pag-video sa naliligong teenager

582

Kulungan ang bagsak ng isang 60-anyos na lolo matapos mabuking ang ginagawang pamboboso at umano’y pagvi-video sa naliligong 17-anyos na dalagita kamakalawa nang gabi sa Valenzuela City.

Nahaharap sa kasong unjust vexation na paglabag sa Republic Act 7610 o Special Protection of Children Against Abuse, Exploitation and Discrimination Act ang isinampa sa suspek na si Emmanuel Carucon Lorenzo, 60, taga-Sta. Monica St., Compound 1, Balubaran, Malinta, Valenzuela City.

Ayon sa report, naliligo ang biktimang itinago sa pangalang ‘Joy’, nang mapansin ang matandang suspek na nasa gilid sa labas ng kanilang palikuran at may hawak na cellphone habang naliligo ang dalagita.

Bunga noo’y agad na nagbihis si Joy, nagsumbong sa kanyang nanay at magkasamang dumulog sa barangay dahilan upang arestuhin ang suspek saka kinumpiska ang kanyang cellphone.

(Vick Aquino)