Abante Tonite Interactive

Lolo inatake habang bumuboto, patay

0 271

Patay ang isang 70-anyos na lolo matapos itong atakihin sa puso habang bumuboto kahapon nang umaga sa Pasil Elementary School sa Cebu City.

Sinubukan pang isugod ng rescue team sa Cebu City Medical Center ang biktimang nakilala lamang na si Lolo Dodo, residente ng Brgy. Suba ng nasabing lungsod subalit idineklara na itong dead-on-arrival ng sumuring doktor.

Ayon kay Wesley Iñigo, operation chief ng Cebu City Disaster Risk Reduction Management Office, dakong alas-10:34 ng umaga nang bigla na lang atakihin ang biktima habang nasa loob ng kanyang voting precint sa Pasil Elementary School kaya agad na tumawag ng rescue ang mga poll watcher.

Bago atakihin ay pumila umano ng halos 30 minuto ang biktima bago ito nakaboto.

Posible umanong dahil sa sobrang init ng panahon kaya inatake ang matanda. (Edwin Balasa)