Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Lolo kalaboso sa minanyak na apo

0 84

Bakal na rehas ang hinihimas ngayon ng isang senior citizen nang hindi makapagtimpi at molestiyahin ang dalagitang apo sa loob ng kanilang tahanan sa Quezon City, nitong Linggo ng gabi.

Sa report ng Batasan Police Station 6 ng Quezon City Police District (QCPD), alas-10:00 ng gabi (May 15), nang maganap ang insidente sa mismong tahanan ng suspek sa Batasan Hills, Quezon City.

Sa imbestigasyon ni PCpl Prudence Lopez, ng Batasan Police Station 6, natutulog umano ang 16-anyos na dalagita sa silid nang pasukin ng 64-anyos niyang lolo.

Tumabi umano ang lolo at hinimas ang hita ng apo dahilan para magising ito. Pero pinagpatuloy pa rin ng suspek ang kanyang pagnanasa. Nilamas ang dibdib ng dalagita maging ang kaselanan nito.

Nagawa namang makatakbo ng dalagita at agad na nagsumbong sa ina.

Inireklamo ng mag-ina ang lolo kaya agad itong binitbit nina PCpl Mark Christopher Adrigado at PCpl Benedicto Aday sa pamumuno ni PLt. Bobby Castillo ng PCP 2, ng Batasan, PS 6.

Inihahanda na ang kasong paglabag sa RA 7610 (Sexual Abuse) laban sa suspek. (Dolly B. Cabreza)

Leave A Reply

Your email address will not be published.