Abante Tonite Interactive

Lolo kalaboso sa panggagahasa ng paslit

116

Isang matandang biyudo na umano’y dating gumagamit ng ipinagbabawal na gamot ang inaresto ng mga awtoridad matapos na mang-rape ng isang anim na taong gulang na babae sa Caloocan kamakalawa ng hapon.

Ayon sa ulat, dakong alas-4:30 ng hapon nang maganap ang insidente sa mismong bahay ng suspek na si Alberto Bagus, 61-anyos, biyudo sa Ususan Extension, Barangay 28 ng nasabing lungsod.

Nilapitan umano ng suspek ang naglalarong biktimang itinago sa pangalang ‘Sky’ at binigyan ng limang piso at candy saka niyayang pumasok sa kanyang bahay at doon ginahasa.

Nagreklamo umano ang biktima sa pananakit ng kanyang ari dahilan upang agad itong usisain ng kanyang ina at doon nito ipinagtapat ang kahayupang ginawa ng suspek sa kanya.

Dahil sa sumbong ay agad naaresto ang suspek at ngayon ay nasa kustodiya na ng Caloocan City detention cell at nahaharap sa kasong Rape in relation to RA 7610 o Special Protection of Children Against Abuse, Exploitation and Discrimination Act.