Abante Tonite Interactive

Lolo nadale ng hit and run

268

Kritikal ang kondisyon ng 66-anyos na lolo na nabangga at tinakbuhan pa ng driver ng kotse na nakabangga sa kanya sa Bacoor City, Cavite, kamakalawa.

Inoobserbahan sa pagamutan ang biktimang si Antonio Villar ng Carmel Road, Phase 2, Avida Setting, Brgy. Molino 4.

Arestado naman ng ang driver ng Toyota Vios na si Jonald Kevin Baccay, 28, ng Buhay na Tubig, Imus.

Alas-6:30 Huwebes ng umaga nang maganap ang insidente. Minamaneho umano ni Villar ang E-bike sa direksiyon ng Mary Homes Subdivision, Brgy. Molino 2 nang banggain ng kotse na minamaneho naman ni Baccay.

Gayunman, imbes na hintuan ng suspek ang lolo, ay pinaharurot nito papalayo ang kanyang sasakyan. Dito na kumilos ang mga concerned citizen at dinala sa pagamutan ang biktima habang ang iba ay hinabol si Baccay hanggang maaresto ng pulisya.

Nabatid na expired na ang lisensiya ng driver at wala rin itong dalang mga dokumento ng nasabing sasakyan.

Kasong reckless Imprudence Resulting in Physical Injury, Damaged to Property and Abandonment one’s own victim. (Gene Adsuara)