Abante Tonite Interactive

Lolo naglaslas ng leeg

118

Isang 74-anyos na lolo ang nag-suicide sa pamamagitan nang pag­laslas sa kanyang leeg at pagsaksak sa sarili sa Quezon City.

Sa imbestigasyon ni PO3 Anthony Teje­rero, imbestigador at may hawak ng kaso ng Criminal Investigation Detection Unit (CIDU), nakilala ang biktima na si Rodolfo Acompañado y Planes, tubong Palawan at naninirahan sa 19 Maunlad St., Brgy. Pinyahan ng nasabing lungsod.

Nadiskubre ang bangkay ng biktima ng kanyang apo na si Loremer Ucat, dakong alas-6:45 kamakalawa ng gabi sa loob mismo ng kanilang comfort room.

Sinabi ni Ucat kay PO3 Tejerero na kagaga­ling lang umano niya sa school at dumiretso umano siya sa 3rd floor ng kanilang bahay.

Matapos magpalit ng damit pangbahay ay bumaba ito sa kitchen para magluto ng kanilang hapunan. Subalit nakatawag pansin umano sa kanya ang buhos ng tubig sa comfort room.

Kinatok umano niya ang comfort room, pero walang sumasagot, kaya’t binuksan niya ito. At dito na tumambad ang bangkay ng kanyang lolo na duguang nakahandusay sa sahig ng CR.

Agad tumakbo sa 3rd floor ng kanilang bahay si Ucat at ipinagbigay alam sa kanyang nakakatandang kapatid ang pagkakadiskubre sa kanyang lolo na mabilis naman na tumawag sa mga awtoridad.

Sa pagsisiyasat ng Scene of the Crime Ope­ratives (SOCO) sa pa­ngunguna ni Chief Insp. Mary Grace Alvarez, nakitaan ang biktima ng sugat ng pagkakalaslas sa kanyang leeg at isang saksak sa kaliwang bahagi ng kanyang tiyan.

Narekober din sa tabi ng biktima ang isang kitchen knife na may bahid ng dugo.