Abante Tonite Interactive

Lolo nagmaneho dedo; poste, salon tinumbok

0 235

Patay ang isang lolo matapos bumangga sa bakal na poste ang minamaneho nitong sasakyan sa Valenzuela City kahapon nang madaling-araw.

Kinilala ni Valenzuela Police chief P/Col. David Nicolas Poklay ang biktima na si Felicimo Hamor, Jr., 68-anyos, ng 32 A. Luna St. Concepcion, Malabon City.

Sa imbestigasyon ng Valenzuela Police Traffic Management Unit, dakong ala-una nang madaling-araw, minamaniobra ng biktima ang kanyang Isuzu jitney (NYB-283) sa kahabaan ng M.H. Del Pilar, Poblacion St., Barangay Polo nang bumangga ang hulihang bahagi nito sa bakal na poste ng ‘no loading’ at ‘unloading signage’.

Abante Hiring – IT dep

Nagtuloy-tuloy ang sasakyan hanggang sa tumbukin nito ang isang beauty salon at sa lakas ng impact, nagtamo ng mga sugat sa katawan ang biktima na bagama’t mabilis na isinugod sa Valenzuela Medical Center ay idineklara ring dead-on-arrival. (Vick Aquino)