Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Lolo nagselos, binoga live-in partner, kalaguyo

0 463

Binaril ng isang senior citizen ang kanyang ka-live-in partner at suspetsang kalaguyo nito dahil sa matinding selos sa Barangay Gaya-Gaya, San Jose del Monte City, Bulacan, Miyerkoles ng madaling-araw.

Base sa report kay P/Col.Lawrence B. Cajipe, Provincial Director ng Bulacan PNP, nakilala ang suspek na si Ezeikien Quiambao ,71-anyos, at residente ng Spring Town Villas, Phase 2, Barangay Gaya-Gaya, sa nasabing bayan.

Binaril nito ang kanyang kinakasama na si Lettey Arquilla, 54-anyos, at umano’y lalaki nito na si Elezalde Cansino, 36-anyos na kapwa nagtamo ng tama ng bala sa kanilang katawan.

Si Arquillas ay kritikal at inoobserbahan pa sa pagamutan, habang todas naman si Cansino habang ito’y inooperahan.

Nangyari ang insidente alas-3:40 ng madaling-araw nitong Miyekoles, kung saan matapos barilin ni Quiambao ang dalawang biktima ay kinitil din nito ang kanyang sariling buhay nang paputukan ang sentido.

Nakarekober ng Bulacan SOCO Team ang isang caliber 45 na pistol, apat na basyo ng bala at isang magazine. (Jun Borlongan)

Leave A Reply

Your email address will not be published.