Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Lolo nalamang may arrest warrant, sumuko

0 72

KUSANG loob na sumuko sa awtoridad ang isang magsasaka nang malamang may nakabinbin siyang kaso sa korte sa Silang, Cavite Martes ng umaga.

Sa ulat, alas-10:40 kamakalawa ng umaga nang sumurender si Benedicto Rosal y Alcaraz, 76, may-asawa ng Brgy Paligawan, Silang, Cavite sa tanggapan ng Silang MPS.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Nabatid na nakarating sa lolo na may nakabinbin siyang kaso at nag-isyu na ng standing warrant of arrest mula sa tanggapan ni Hon. Gonzalo Quitan Mapili Jr. of MTC Trece Martires City, Cavite dahil sa kasong estafa (3 counts) kaya agad nitong isinurender ang sarili .

Ikinagalak naman sa tanggapan ng warrant section ang inisyatibo ng senior citizen na sumuko. (Gene Adsuara)

Leave A Reply

Your email address will not be published.