Abante Tonite Interactive

Lolo natagpuang agnas sa sariling bahay

319

Naaagnas na ang bangkay ng isang senior citizen nang matagpuan sa loob ng kanyang tahanan sa Barangay Silangan, Quezon City nitong Miyerkoles nang gabi.

Sa ulat ng Quezon City Police District Criminal Investigation and Detection Unit (QCPD-CIDU), natagpuan ang bangkay ni Wenceslao Sajorda, 65, may-asawa at taga-A-003 Bonifacio Ext., Brgy Silangan, QC, dakong alas-siyete nang gabi.

Sa imbestigasyon, nagtungo si Felix Opeña, helper ng anak ng biktima na si Wilfredo Sajorda sa bahay ng matanda para alamin ang kondisyon nito subalit walang sumasagot.

Dito’y ipinagbigay-alam ni Opeña sa anak ng biktima na walang sumasagot at ‘di siya napapasok sa bahay kaya agad itong pinuntahan at doon ay nadiskubre ang bangkay ng biktima na nakahandusay sa sahig.
Agad nagsagawa ng imbestigasyon ang SOCO sa pangunguna ni P/Maj. Jose Bonifacio pero walang nakitang sugat sa katawan ng biktima na hinihinalang namatay sa sakit. (Dolly Cabreza)