Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Lolo operator ng putahan, timbog

0 61

Arestado ang isang lolo habang nasagip naman ang dalawang babae mula sa sex den sa Sta. Maria, Ilocos Sur kamakalawa.

Kinilala ni P/Maj. Millennium Bantas, ng Criminal Investigation and Detection Group-Ilocos Sur, ang suspek na si Manuel Escobar, 76, ng Sitio Bataan, Brgy. Suso, Sta. Maria.

Ayon kay Bantas, isang concerned citizen ang tumawag sa kanilang tanggapan at pinaalam ang sex den sa bahay ni Escobar, at nagtatago ng dalawang dalagang babae.

SM food to go Banner Ad

Sa ginawang surveillance, isang undercover agent ang inalok ng suspek ng P4,000 halaga bawat isa sa mga biktima, na siyang naging daan upang masagip ang mga dalaga nasa edad na 19 at 24.

Inamin umano ng mga biktima na kung kapos sila ay kanilang nilalapitan ang suspek dahil wala na umano silang matakbuhan.

Napag-alaman na dati nang nahuli ang suspek sa pareho ring kaso.

Nakuha mula sa suspek ang anim na P1,000, isang P100 at cellphone. (Allan Bergonia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.