Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Lolo timbog sa pagtutulak ng shabu

0 114

Swak sa kulungan ang isang 61-anyos na senior citizen nang naaresto sa isang buy-bust operation sa Tanza, Cavite.

Kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act ang kinakaharap ng suspek na si Mamerto Alcala, alyas ‘Mentong’ ng Brgy. Amaya 3, Tanza, Cavite na inaresto alas-kwatro kamakalawa ng hapon sa Brgy. Daang Amaya 3, ng naturang bayan.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Sa ulat ni Pat Ehdcel Manalo ng Tanza Municipal Police Station, nakipagtransaksiyon ang suspek sa isang poseur buyer na nagresulta sa kanyang pagkakaaresto. Narekober sa kanya ang 16 sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu P4,200 cash at P6,000 na buy-bust money.

Nakakulong ngayon sa Tanza Custodial Center ang suspek. (Gene Adsuara)

Leave A Reply

Your email address will not be published.