Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Lolo tinodas ni utol

0 118

Namatay ang isang 61-anyos na lalaki nang saksakin ng kanyang nakababatang kapatid matapos nilang magtalo sa kalagitnaan ng kanilang inuman sa General Mariano Alvarez (GMA), Cavite Martes ng gabi.

Unang isinugod sa Carsigma District Hospital saka inilipat sa De La Salle University Medical Center ang biktimang si Alexandro Velasco, may asawa, subalit namatay din habang ginagamot dahil sa saksak sa katawan.

Pinaghahanap naman ng awtoridad ang suspek at nakababata niyang kapatid na si Tomas Velasco, 58, may asawa, kapwa residente ng Brgy. San Jose, GMA, Cavite.

Sa ulat ng GMA Police Station, bago naganap ang insidente ay nag-iinuman ang magkapatid sa loob ng kanilang bahay sa nasabing barangay sa GMA, Cavite dakong alas-9:00 ng gabi, kamakalawa.

Sa kalagitnaan ng kanilang inuman ay naungkat umano ang kanilang matagal na alitan na nagresulta sa kanilang mainitang pagtatalo kaya dumampot ng kutsilyo ang nakababatang Velasco at itinurok sa katawan ng kanyang utol.

Matapos ang pananaksak, mabilis na tumakas ang suspek habang isinugod naman ang biktima sa ospital subalit namatay din habang ginagamot.

Ayon kay Rosales, bagama’t magkasama ang dalawa sa loob ng isang bahay, kapwa may kinikimkim na galit umano ang isa’t isa subalit hindi rin alam ng kanilang kaanak ang puno’t dulo ng kanilang alitan. (Gene Adsuara)

Leave A Reply

Your email address will not be published.