Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Lolo tulak ng P374K shabu

0 179

Arestado ang isang senior citizen na kabilang sa listahan bilang high value individual (HVI) matapos ang ikinasang buy-bust operation ng pulisya, Linggo ng gabi sa Pasig City.

Hindi na nakapalag nang arestuhin ng mga tauhan ng District Drug Enforcement Unit ng Eastern Police District (DDEU-EPD) ang suspek na kinilalang si Eleuterio Magat Cantero, 60, kung saan nakuha dito ang aabot sa 55 gramo ng shabu na may halagang P374,000.

Isinagawa ang drug ops laban sa suspek alas-10:00 ng gabi sa 2E, ROTC St. Barangay Rosario ng nasabing lungsod kung saan isang police poseur buyer ang kumuha ng halagang P1,000 shabu sa suspek gamit ang marked money.

Matapos na magkapalitan ng pera at iligal na droga ay saka inihudyat ang pag-aresto sa suspek na hindi na nakapalag ng dambahin ng pulisya.

Nakakulong ang suspek sa DDEU-EPD detention cell habang inihahanda ang kaukulang kaso laban dito. (Edwin Balasa)

Leave A Reply

Your email address will not be published.