Abante Tonite Interactive

Lolong palaboy natigok sa bilyaran

107

Sumilong muna at saka humiga sa isang sementadong upuan ng isang bilyaran ang isang hindi nakikilalang matanda bago binawian ng buhay kamakalawa ng gabi sa Tondo, Maynila.

Inilarawan ni SPO3 Milbert Balinggan ng Manila Police District-Homicide Section ang biktimang nasa edad 55-60, nakasuot ng itim na jacket at maong pants.

Sa imbestigasyon, pumasok umano sa bilyaran ang biktima at nakisilong dahil umuulan. ­Umupo umano ito sa sementong banko saka nahiga at nagtaklob ng kulay pu­ting t-shirt dakong alas-siyete ng gabi sa Skyway Billiard Hall sa 574 Padre Rada St. ­Tondo, Maynila.

Alas-7:45 ng gabi nang mapansin ni Rodrigo Bayate, 51, na nagla­laro ng bilyar na wala ng buhay ang biktima kaya’t ini-report ito sa Blumentritt Police ­Community Precint na siyang tuma­wag sa MPD-HS.

Sinabi ni Arga Clicel, may-ari ng bilyaran, hindi nila kilala ang biktima dahil noon lamang nila ito nakita sa lugar.

Dinala ang biktima sa St. Rich Funeral­ ­Parlor para sa awtopsiya at safekeeping.