Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Lolo’t lola ninakawan bago kinatay

0 8

Namatay ang mag-asawang matanda habang nasa malubhang kalagayan naman ang 18-anyos nilang apo matapos pagsasaksakin ng hindi pa kilalang mga akyat-bahay sa Barangay Bobolosan, Laoang, Northern Samar.

Kinilala ang mga nasawing sina Basilesa Obradilla Esparas, 80; at Franko Lipata Esparas, 89, parehong nagtamo ng mga saksak sa iba’t ibang bahagi ng katawan habang nagtamo naman ng tatlong saksak sa katawan ang apo nilang si Mark Angelo Delos Santos.

Sa ulat ng pulisya, naganap ang insidente, Miyerkoles ng madaling-araw, habang nasa kasarapan ng tulog ang mga biktima nang pasukin ng hindi pa batid na bilang ng mga suspek ang kanilang bahay.

SM food to go Banner Ad

Sa salaysay ng apo, nagising siya sa komosyong nangyayari sa loob ng kanilang bahay at nakita pa niyang inaabot ng kanyang lolo ang wallet nito sa isa sa mga suspek na nakasuot ng bonnet bago ito pinagsasaksak at pagkatapos ay sinaksak naman ang kanyang lola.

Sinaksak din mismo si Mark ng isang suspek at sa pag-aakalang patay na ito ay tinantanan na siya.

Makalipas ang mahigit isang oras ay nagkamalay si Mark Angelo at agad humingi ng tulong sa mga kapitbahay.

Isinugod naman siya sa GB Tan Hospital kung saan siya ngayon naka-confine. (Edwin Balasa)

Leave A Reply

Your email address will not be published.