Abante Tonite Interactive

Lontoc: Umuusok pa rin ang Petron

586

Handa nang sumabak ang walong koponan para sa 8th Philippine SuperLiga Grand Prix 2020.

Magsisimula ang women’s indoor volleyfest sa Pebrero 29, unang naka-schedule ngayong darating na weekend pero na-postpone dahil sa COVID-19 outbreak.

Kahit pa dumaan sa revamp ang defending champion Petron Blaze Spikers, ipinunto ni coach Emil Lontoc na hindi magpapahuli ang koponan.

“Laging nasa championship ‘yung team. This time talaga we will try our best na mapabilang ulit doon. Siyempre ang goal ng Petron pa rin ay masama sa championship pero ang sabi nga may total revamp pero naniniwala pa rin ako sa sistema na meron kami,” sambit ni coach Lontoc nitong Martes sa ginanap na press conference.

Bagong pasok si Lontoc sa team matapos palitan si Ceasael ‘Shaq’ delos Santos.

Ang senaryo sa gasolina’y sasandalan naman ng kanilang mga kalabang F2 Logistics Cargo Movers, Cignal HD Spikers, Generika-Ayala Lifesavers, Chery Tiggo Crossovers, Sta. Lucia Lady Realtors, PLDT Home Fibr Hitters at Marinerang Pilipina Lady Skippers upang masipa sa trono ang two-time defending champions.

“In the past seasons, we always say that Petron is the team-to-beat, and this is indeed an opportunity for us to get the championship,” saad naman ni F2 assistant coach Noel Orcullo.

“Our mentality, however, is always the same – to make it to the finals and get the championship. Still, this is a big opportunity and we will grab it.”

Samantala, maghaharap sa opening ang Petron-Generika-Ayala sa alas-5:00 nang hapon kasunod ang ratratang PLDT-Sta. Lucia sa alas-7:00 nang gabi sa FilOil Flying V Centre sa San Juan City. (Janiel Abby Toralba)