Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Looney balik starter ni Kerr

0 69

Locked in na kina Stephen Curry, Klay Thompson at Draymond Green ang tatlong spot sa starting lineup ng Golden State Warriors para sa nalalapit na 77th National Basketball Association 2022-23.

Pang-apat ni coach Steve Kerr si Andrew Wiggins.

Mahalaga ang papel niya nang kalusin ng Warriors sa anim na laro ang Celtics para iuwi sa Bay Area ang pang-apat na kampeonato noong Hunyo.

Kilala sa small-ball play ang Golden State, pero maglalagay pa rin sa gitna bilang interior defender at tagakalawit ng rebound sa katauhan ni Kevon Looney.

“(Looney) will come back as the starter,” pahayag ng coach kay Anthony Slater ng The Athletic.

Kelan lang nabigyan ng contract extension si Looney.

“We’re all thrilled that he’s back,” dagdag ni Kerr. “To get him back is massive for our team. It sets up well for Loon to continue what he did for us last year. In doing so, he’s really a good mentor for (Wiseman).” (Vladi Eduarte)

Leave A Reply

Your email address will not be published.