Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Loonie binasura ang kaso sa marijuana

0 136

Binasura ng korte ang kaso laban kay Marlon Peroramas, o mas kilala bilang si Loonie, matapos itong madawit sa bentahan kush o high-grade marijuana.

Sa nilabas na desisyon ng Makati City Regional Trial Court (RTC) Branch 64 na nilagdaan ni Judge Gina Bibat-Palamos, sinabi na hindi sapat ang naging ebidensya ng prosekusyon para idiin si Loonie, kapatid nitong si Idyll Liza Peroramas, at kanilang mga staff.

Ayon sa findings ng korte, may mga inconsistency sa pahayag ng poseur-buyer, at wala rin sa mga testigo na nakapagtukoy na galing nga sa kampo ni Loonie ang mga nasamsam na iligal na droga.

Matatandaan na inaresto ng Makati City Police Station Drug Enforcement Unit (SDEU) si Loonie at mga kasama nito sa isang hotel sa Brgy. Poblacion, Makati noong September 2019.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Dito nakita umano sa grupo ang 15 sachet ng kush na nagkakahalaga ng P105,000.

Depensa noon ni Loonie, tinanim lang umano ang naturang iligal na droga .Iniisip nilang maghain ng counter charge kontra sa mga indibiduwal na nagtanim sa kanya ng iligal na droga.

Dahil sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Act of 2002 ay nagbayad ng P2 million si Loonie para pansamantalang makalaya noong 2020 habang dinidinig ang kaso. (RP)

Leave A Reply

Your email address will not be published.