Abante Tonite Interactive

Loot kina-camera ‘pag lumalabas sa Cebu – Duterte

260

Binanatan ulit ni Pangulong Rodrigo Duterte si Ma­yor Vicente Loot ng Daanbantayan, Cebu sa kanyang pagdalo sa campaign rally ng PDP-Laban sa Victorias City, Negros Occidental noong Biyernes ng gabi.

Sa kanyang talumpati, sinabi ng Pangulo na mahigpit na mino-monitor ng mga awtoridad ang galaw ng alkalde at katunayan aniya, kinukuhanan pa ng ­camera kapag lumalabas ito sa Cebu.

“Kayo, hindi lang ninyo alam may camera kayo, kinukuhaan kayo ng camera na lumalabas kayo ng Cebu. Tapos dito sa — may island diyan sa… diyan sa [garbled] — ‘yung island diyan sa tabi ng Bacolod,” sabi ng Pangulo.
Kinastigo pa nito si Loot na walang-hiya diumano bagama’t isa pa namang dating heneral ng pulisya.

“…Ikaw ka-heneral mo na pulis wala kang hiya ka. Gastos ng tao ‘yang edukasyon mo and you commit treason against the people of the Republic of the Phi­lippines,” ayon pa kay Pangulong Duterte.

Muli ring binigyang-diin ng Pangulo na hindi niya masisikmura ang iligal na droga.