Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Lopez, 3 pang jin asam Olympics

0 327

Susubukan ng apat na pambato ng Philippine Taekwondo Association, sa pangunguna ni 2019 PH Southeast Asian Games gold medal winner Pauline Louise Lopez, na makakuha ng ticket para sa 32nd Summer Olympic Games 2020 sa Tokyo, Japan na inusog ng Covid-19 sa parating na July 23-August 8.

Lilisan ngayong Biyernes si Lopez at kapwa SEA Games gold medalist Kurt Bryan Barbosa, nag-silver na si Arven Alcantar pati si Kirstie Elaine Alora na hangad ang ikalawang sunod niyang quadrennial sportsfest makaraang makapag-2016 Rio de Janeiro.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Venue ng May 21-22 Asian taekwondofest (kyorug eventi) ang Amman, Jordan. Kailangang mag-finals o maka-gold-silverl ang apat na pambato ng ‘Pinas upang makarating sa Tokyo Summer Games. (Ramil Cruz)

Leave A Reply

Your email address will not be published.