Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Lopez, 82 pa habol sa Tokyo Olympics

0 203

Nasa 83 national athletes ng 19 sports, sa pangunguna ni Philippines 2019 Southeast Asian Games women’s taekwondo gold medalist Pauline Louise Lopez ang inaasahang sasabak sa mga Olympic Qualifying Tournament (OQT) sa pagnanais na makabahagi sa 32nd Summer Olympic Games 2020 sa Tokyo, Japan na inurong lang ng July 2021 dahil sa Covid-19.

Ito ang ipinahayag Huwebes ni Philippine Sports Commission (PSC) Chairman William “Butch” Ramirez sa programa ng ahensiya kung saan karamihan sa natukoy na mga atleta ay magba-bubble training na sa Inspire Sports Academy sa Calamba at ang ila’y nasa abroad.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Hinirit ng opisyal na plano ng PSC na ipadala sa iba’t-ibang OQTs ang 29 na atleta at coaches mula sa tatlong combat sports na taekwondo, boxing at karate makaraan ang 90 na araw na Calamba bubble training camp.

Ang boxing ay may 16 katao na popondohan ng P2M habang ang karate ay may walo na tutustusan ng P1.5M at taekwondo ay mayroong lima na gagastusan ng P1M sa bubble training. Nakatawan ang mga halaga para sa room at lodging, meals, snacks, gym rentals at paggamit sa pasilidad.

Ang iba pang mga manlalaro na pa-OQT ay sina karetakas Jamie Christine Lim at Joane Orbon, judoka Junna Tsukii, weightlifter Hidilyn Diaz at iba. (Lito Oredo)

Leave A Reply

Your email address will not be published.