Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Lopez, Alora puntirya top 2

0 81

Kumpiyansa ang Philippine Taekwondo Association (PTA) na magta-top two finish sina 2016 Pasay Asian Taekwondo Championships gold medalist Pauline Louise Lopez at 2016 Rio de Janeiro Olympian Kirstie Elaine Alora sa Asian Qualification Tournament sa May 21-23 sa Amman, Jordan.

Ayon nitong Miyerkoles kay PTA secretary general Raul Aguilar Samson, ito na ang last qualifier at kailangang mag-gold o silver medal ang dalawang taekwondo jin para sumulong sa 32nd Summer Olympic Games 2020 sa Tokyo, Japan na inurong sa parating na July 23-August 8 dahil sa pandemya.

Hinirit pa niyang may tatlong buwan para makapaghanda sina sina Lopez, 24, at Alora, 31, sa Olympic training camp bubble sa Inspire Sports Academy sa Calamba, Laguna dahil sa hindi na rin tuloy ang Asian Championships sa Beirut, Lebanon sa April sanhi rin ng Covid-19. (Ramil Cruz)

Leave A Reply

Your email address will not be published.