Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Lopez matiyaga sa online training

0 225

Hindi pa pinapayagan ang contact sports kaya sa virtual training pa rin tutuon si taekwondo jin star Pauline Louise Lopez.

Ito’y upang makaiwas na rin ang 23-taong gulang at 5-5 ang taas na dalaga sa coronavirus na namiminsala sa buong mundo buhat pa noong Marso.

Gaya sa National Basketball Association (NBA), gumawa ang 2019 Southeast Asian Games PH gold medalist ng sariling ‘bubble’ para makapag-ensayo.

“I created this bubble for myself where I go to an area to train and it’s only myself,” hayag ng Philippine Taekwondo Association (PTA) player, na umaasam makasipa sa 32nd Summer Olympic Games 2020 sa Tokyo, Japan na inatras sa 2021.

Bukod kay Lopez, ang ibang national athletes na nais sumikwat ng tiket sa Olympics ay sina 2016 Rio de Janeiro Olympic silver medal winner Hidilyn Diaz ng weightlifting, Nesthy Petecio ng boxing, lady skateboarder Margielyn Didal, judoka Kiyomi Watanabe at karatekas Junna Tsukii at Jamie Chirstine Lim. (Elech Dawa)

Leave A Reply

Your email address will not be published.