Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Lopez patuloy ang serbisyo

0 258

Walang putol sa pagsisilbi sa bansa si national men’s volleyball team member Jessie Lopez, pagkaraang magwagi ng silver medal sa 30th Southeast Asian Games PH 2019, nagsisilbi naman ngayong frontliner sapul nitong Marso para sa Covid-19.

“Sundalo po tayo, kailangan po natin magsilbi sa bansa kahit kapalit ng ating buhay,” wika ni Lopez, isang Airman First Class at parte ng PH 6 team nitong 2007-2010, 2013-2014 at 2019.

Madalas matoka sa mga checkpoint, responsibilidad din ng FEU Sport Management graduate na siguruhing lagging nasa kondisyon ang mga kapwa sundala sa Fernando Airbase sa Lipa City. (Lito Oredo)

Leave A Reply

Your email address will not be published.