Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Lopez wala sa ‘Calambubble’

0 197

TUMUNTONG na rin ang mga national taekwondo jin sina Kirstie Elaine Alora, Kurt Barbosa, Arven Alcantara, Joseph Chua, Samuel Morrison, Baby Jessica Canabal, at Lalla Delo sa Philippine Sports Commission (PSC) national training bubble sa Inspire Sports Academy sa Calamba, Laguna.

Pero wala ang Indonesia 18th Asian Games 2018 bronze medalist na si Pauline Louise Lopez na kasalukuyang nasa Estados Unidos at nagpatagilid sa kanyang women’s 57-kilogram spot para sa World Olympic Qualifying Tournament.

Wala pang pasabi hanggang nitong Linggo ang Philippine Taekwondo Association (PTA) para sa player, na 30th Southeast Asian Games PH 2019 gold medalist. (Lito Oredo)

Leave A Reply

Your email address will not be published.