Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Lopez winawasak sa fake news

0 60

Tinatangkang tibagin ng mga kalaban si Manila mayoralty candidate Atty Alex Lopez ng UniTeam sa pamamagitan ng pagpapakalat ng fake news na ito raw ang pumigil sa pagpapalabas ng benepisyo para sa senior citizens ng lungsod.

Sa isang panayam sinabi ni Lopez na may lumabas sa pahayagan na artikulong nagsasaad na siya ang pumipigil sa benepisyo ng senior citizen sa Maynila gayung hindi naman siya ang nakaupo sa posisyon.

Ipinakita rin ni Lopez ang isang diyaryo kung saan lumabas ang artikulo at aniya’y naberipika niya na hindi batid ng publication ang naturang artikulo at ang kumalat na isyu ay peke rin.

Ayon pa kay Lopez, ang katotohanan ay isa siya sa nananawagan sa pamahalaang Lungsod ng Maynila na i-release na ang benepisyo ng mga senior citizen.

Aniya, sumulat pa siya sa pamahalaang lungsod noong nakaraang taon at inulit ang una nyang panawagan na irelease na ang senior citizens fund.

Nagbabala rin ito na hindi niya titigilan ang mga nagpapakalat ng fake news laban sa kanya at patuloy niyang ihahayag ang mga katiwalian sa Maynila lalo na sa pagwaldas ng pera sa mga proyektong hindi naman talaga kailangang gawin.

Si Lopez ay naunang nananawagan noon sa pamahalaang Lungsod na ipaliwanag sa taumbayan kung saan napunta ang bilyon-bilyong inutang ng kasalukuyang namumuno sa Maynila.

Leave A Reply

Your email address will not be published.