Abante Tonite Interactive

Lord Velasco bagong lider ng PDP Laban sa Kamara

274

Tiwala si Marinduque Rep. Lord Allan Velasco na swabe niyang maisusulong mga legislative agenda ng administrasyong Duterte maitapos pangalanan bilang pinuno ng House contigent ng Partido Demokratiko Pilipino–Lakas ng Bayan (PDP Laban).

Ayon kay Velasco, ipinagmamalaki at ikinararangal niya ang naging desisyon ng pamunuan ng partido ni Pangulong Rodrigo Duterte na pamunuan ang kanyang mga kapartido sa PDP sa Mababang Kapulungan ng Kongreso.

“This fresh step by the party leadership is a welcome development, as this will further s­trengthen unity and camaraderie among PDP-Laban members,” he added.

Si Velasco binansagang ‘speaker in waiting’ at hahali kay House Speaker Alan Peter Cayetano bilang pinuno ng Kamara sa September 2020 ay tiwala na madaling maisusulong ang mga adhikain ng Pangulo sa nalalabing tatlong taon nito sa kanyang termin.

Ayon kay Velasco, anim sa kanyang mga kapartido ay matagumpay na naitalagang deputy speaker samantalang lima naman ang naging miyembro ng makapangyarihang House Committee on Rules.

Labing-siyam na miyembro din ng PDP ang nakakuha ng chairmanships sa mga pangunahing standing committee ng Kamara
Bumaba sa 68 ang miyembro ng PDP sa Kamara na dating 84 bago magbukas ang 18thh Congress noong Hulyo subalit nanatatili itong pinakamalaking block sa malaking kapulungan.

Nagpasalamat si Velasco sa kasalukuyang liderato ng Kamara sa pagbibigay na mga importanteng poder sa mga pangunahing kaalyado ng Pangulo.

“For this, we are grateful to House Speaker Alan Peter Cayetano for naming members of PDP Laban to various committees and important posts in the bigger chamber, cognizant of the role of our political party as an important ally in accomplishing the Duterte administration’s plans and programs through legislation,” saad ni Velasco. (JC Cahinhinan)