Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Loren hinirit 1 tablet sa bawat estudyante

0 129

Itinulak ng isang mambabatas sa Kamara ang panukalang isang tablet sa bawat estudyante sa mga pampublikong elementarya, high school at tertiary school.

Ayon kay House Deputy Speaker at Antique Rep. Loren Legarda, binago ng limitasyong dala ng COVID-19 pandemic ang sistema ng edukasyon sa bansa at naging mahalaga ang electronic gadget sa pag-aaral.

Sa kabila umano ng pagtutulungan ng mga ahensiya ng gobyerno at pribadong sektor hindi lahat ay nabigyan ng learning gadget kaya naging mahirap para sa maraming estudyante na makasabay sa pag-aaral.

“In extreme cases, this has posed even more serious problems on students’ mental health,” sabi ni Legarda.

Sa ilalim ng House Bill No. 10405, maglalaan ng P200 bilyon para sa inisyal na implementasyon ng programa. Ang kakulangan ay isasama sa mga taunang budget ng gobyerno.

Ang mga estudyante na mayroon nang sariling gadget ay bibigyan ng internet allowance.

Ayon sa Department of Education (DepEd), umaabot sa 27 milyon ang estudyante sa elementarya at high school sa kasalukuyan. Mayroon namang 1.6 milyong estudyante sa state universities and colleges (SUCs) at local universities and colleges (LUCs), ayon sa Commission on Higher Education (CHED). (Billy Begas)

Leave A Reply

Your email address will not be published.