Abante Tonite Interactive

Loren No. 1 kongresista sa Antique

358

Patuloy na nangunguna si Senador Loren Legarda sa mga kandidatong kongresista para ­maging kinatawan ng nag-iisang distrito ng Antique sa Mababang Kapulungan ng Kongreso.

Sa huling survey na isinagawa ng Random Access Consultants Inc. noong Enero 26-29, 2019, lumalabas na lumaki pa ang lamang ni Legarda kontra sa katunggali na si dating Antique Governor Exequiel Javier.

Nakakuha si Legarda ng 78.8% voter ­preference kumpara sa 19.4% na boto kay Javier.

Bago pa ang survey na ito, noong Disyembre ay nakakuha si Legarda ng botong 74.5% kontra sa 22.7% ni Javier.

Nagpahayag naman ng pasasalamat si Legarda sa mga kababayan nitong sumusuporta sa kanya.