Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Lorenza kinukonsidera ibalik UP agreement

0 151

Bukas si Defense Secretary Delfin Lorenzana sa posibilidad na ibalik ang ibinasurang kasunduan sa pagitan ng Department of National Defense at University of the Philippines (UP) kaugnay sa pagbabawal sa mga militar at pulis na pumasok sa loob ng campus.

Ayon kay Lorenzana, kinausap niya si UP president Danilo Concepcion sa pulong ng UP at DND noong Huwebes at sinabing pagiisapan niya ang desisyon kung iuurong ang naunang pagbabasura sa kasunduan.

Pero ayon sa kalihim, “But now that we have this panel who will talk in finding ways to move forward, let us not preempt the recommendation. We will wait for the recommendation later on. We will move from there.”

Noong Enero winakasan ng DND ang tatlong dekadang kasunduan sa UP. Nagagamit diumano ito bilang breeding ground ng mga terorista dahil sa loob ng eskwelahan nagre-recruit ng miyembro. (Kiko Cueto)

Leave A Reply

Your email address will not be published.