Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Lorenzana binalaan AFP `wag sawsaw sa politika

0 49

Inabisuhan ni Defense Secretary Delfin Lorenzana ang mga sundalo na manatiling “neutral” sa darating na halalan sa Mayo 2022.

Sa pahayag sinabi ni Lorenzana sa Armed Forces of the Philippines (AFP), dapat aniyang huwag sumawsaw ang mga sundalo sa politika sa halip ay magpokus sa pangangalaga sa mamamayan at sa bansa.

“Soldiers are not allowed to campaign for anybody. This is wrong,” ayon kay Lorenzana.

Binigyang-diin ng kalihim na dapat manatili ang propesyonalismo sa hanay ng mga sundalo.

“The military is the guardian of our country and I could call them anytime to see to it that people are protected and [the] election’s freely, orderly exercised,” sabi pa ni Lorenzana.

Matatandaang noong Setyembre 24 ay inihayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na handa siyang gamitin ang mga sundalo para matiyak na magiging mapayapa at ligtas sa karahasan ang halalan.(Kiko Cueto)

Leave A Reply

Your email address will not be published.