Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Lorenzana, Chinese Defense minister plinantsa gusot sa SCS

0 46

PORMAL nang pinirmahan kahapon ng Pilipinas at China, ang P1 bilyong donasyon na Humanitarian Assistance and Disaster Relief Equipment mula sa Beijing.

Kasabay nito, ay nagkasundo rin ang dalawang bansa, na rebisahin ang 2004 defense pact.

Sa pulong kahapon sa Camp Aguinaldo nina Defense Secretary Delfin Lorenzana at kanyang counterpart na si Chinese Defense Minister Gen. Wei Fenghe, napag-usapan din ang isyu sa South China Sea.

Ayon kay Lorenzana, nagkasundo sila na ang anumang problema sa West Philippine Sea ay dapat na idaan sa dayalogo at konsultasyon.

Pinagusapan din ni Lorenzana at Wei ang Code of Conduct sa West Philippine Sea.

Ayon sa DND, babaguhin ang defense pact ng 2004, para sa mas mabisa na personal na palitan ng impormasyon, at mas maayos na communication channels sa pagitan ng pwersa ng dalawang bansa.

Nagpalitan din ng istratehiya ang dalawang bansa sa pagsugpo sa Covid 19. (Kiko Cueto)

Leave A Reply

Your email address will not be published.