Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Lorenzana COVID negative na

0 34

Ibinunyag ni Defense Secretary Delfin Lorenzana na negatibo na siya sa COVID-19, batay sa confirmatory test na isinagawa sa kanya.

Sa kanyang mensahe sa mga mamamahayag, masayang ibinalita ni Lorenzana na maayos ang kanyang lagay.

Pero sinabi pa ng kalihim na base sa rekomendasyon ng DOH, mananatili siya dapat na naka-home quarantine pa rin.

SM SuperKidsDay Banner Ad

“My RT PCR yesterday came out negative. But according to [Health Secretary Francisco Duque III], I continue home quarantine until 23 [November],” ayon kay Lorenzana.

Noong Miyerkoles inanunsiyo ni Lorenzana na nagpositibo muli siya sa COVID-19 kahit fully vaccinated na laban sa naturang virus. (Kiko Cueto)

Leave A Reply

Your email address will not be published.