Abante Tonite Interactive

Lorenzana kay Sison: ‘Wag kang umaktong spoiled brat

By
1,270

Umaakto na parang isang “spoiled brat” si Communist Party of the Philippines founding chairman Jose Maria Sison, ayon kay Defense Secretary Delfin Lorenzana.

“Mr. Sison is acting­ like a spoiled brat, which he is, and proves that he is very out of touch with reality here. Instead of rationally talking with our panel to discuss how to move forward the resumptions of the peace talks, he goes into tantrum and orders the NPA to wage a peoples war,” pahayag ni Lorenzana sa kanyang statement.

Kinastigo ni Lorenzana ang pag-uugali ni Sison at sinabi ng kalihim na hindi bagay dito ang maging out of touch at hindi dapat umasta na parang bata.

Abante Hiring – IT dep

Ang pahayag ni Lorenzana ay bilang reaksyon sa pagmamaktol ni Sison at paninisi sa pamahalaan kaugnay sa muling pagpapaliban sa peace talks na nakatakda sanang ituloy sa Hunyo 28.

Nauna dito ay sinabi ni Presidential Adviser on the Peace Process Sec. Jess Dureza na kukunsultahin muna nila ang publiko kung pabor ba ang mayorya ng mga Pinoy na isulong pa ang peace process sa komunistang grupo.

Imbes na magpakita ng kanyang ego, pinayuhan ni Lorenzana si Sison na humanap ng mga paraan kung paano maitutuloy ng usapang pangkapayapaan na magiging katanggap-tanggap sa publiko. (Edwin Balasa)