Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Lorenzana kumasa sa bantang atake ng CPP-NPA

0 92

Hinamon ni Defense Secretary Delfin Lorenzana si Communist Party of the Philippines (CPP) founding chairman Joma Sison na gawin ang bantang paghahasik ng kaguluhan sa kasagsagan ng deployment ng tinatawag na partisan unit ng mga rebeldeng komunista na siya umanong hahabol sa puwersa ng pamahalaan.

“We dare Mr. Sison to bring on his terror threats. Unlike in the 80s, the AFP is more prepared to defeat his terrorist liquidation squads. The Filipino people will be on our side in this fight,” sabi ni Lorenzana sa kanyang pahayag nitong Linggo.

Reaksyon ito ni Lorenzana sa sinabi ni CPP chief information officer Marco Valbuena na muling binuhay ang partisan unit ng kilusan.

Dagdag pa ni Lorenzana, ang kautusan ng mga rebeldeng komunista na pagpapadala ng mga partisan unit ay kumpirmasyon sa desisyon ng Anti-Terrorism Council (ATC) na dineklarang isang terrorist organization ang CPP-NPA.

Sinabi pa ng Defense chief na wawakasan na ng gobyerno ang New People’s Army (NPA) sa lalong madaling panahon.

Base sa tweet ni Valbuena nitong nakaraang linggo, mayroon na umanong utos sa NPA para muling bumuo ng mga grupo na siyang magpaparusa sa “enemy units and officers” na gumawa ng krimen laban sa taumbayan. (Edwin Balasa)

Leave A Reply

Your email address will not be published.